Tanong Ko...Sagot Mo
ANG PAGLIBAN SA KLASE AT NG MGA MAG-AARAL
Marami na tayong mga mag-aaral na parating nahuhuli at lumiliban sa klase. Ang problemang ito ay nagiging dahilan ng pagkahuli ng mga bata sa aralin.Maraming mag-aaral ang hindi pumapasok dahil sa palaging pagkakaroon ng sakit o importanteng lakad sa pamilya. Ang pagkahuli naman pumasok ay dahilan ng madalas na pagpupuyat dahil sa panunuod ng telebisyon gabi-gabi. Narito ang mga batang sasagot sa aking mga katanungan.
Unang Tanong: Paano maiiwasan ang pag-aabsent?
#1 Huwag tayong magpaambon.
-Chloe Gutierrez, Grade III-A
#1 Kailangan nating maging malusog upang makaiwas sa sakit.
-Pearl Hidayah Newingham, Grade VI-A
#1 Huwag tamaring pumasok.
-Mikael Sagun, Grade III-A
#1 Huwag maligo sa ulan.
-Mary Jane Balanlay, Grade VI-B
#1 Huwag magpabaya.
-Thyrone Marco, Grade III-A
Pangalawang Tanong: Paano maiiwasan ang pagkahuli sa klase?
#2 Kumilos tayo ng mabilis
-Chloe Gutierrez, Grade III-A
#2 Huwag magpuyat.
-Pearl Hidayah Newingham, Grade VI-A
#2 Huwag manuod ng TV nang matagal sa gabi.
-Mikael Sagun, Grade III-A
#2 Gumising ng maaga.
-Mary Jane Balanlay, Grade VI-B
#2 Kumilos na agad pagkagising.
-Thyrone Marco, Grade III-A