FERNANDO, Itinanghal na Kauna-unahang "BATANG GENIUS"
Nakamit ni Jomari C. Fernando ang pagiging Grand winner sa “BATANG GENIUS” sa “Happy Yippe Yehey”, noong Enero 7, 2012. Nagtagumpay si Fernando sa “HAKBANG HIGANTE” na paraan ng laro nila ng katunggaling si Rei Chester Reyes. Mahigit 2000 na nag-awdisyon ang lumahok sa naturang paligsahan. At sa bawat linggo ng tunggalian ay unti - unting nababawasan hanggang sa ang matira ay dalawa para sa grand finals.
“Mahirap ang aking napagdaanan pero ayos lang dahil din sa tagumpay kong nakamit para sa aking pamilya at sa aking paaralan,” wika niya sa isang panayam. Isang karangalan itong masasabi hindi lamang sa kanyang pamilya ngunit pati na rin sa kanayang mga guro, kapwa mag-aaral at sa sambayanan ng Lungsod Agham ng Muñoz na nagpabago sa kasaysayan.

World Teachers’ Day, ginunita
DepEd - CLSU- Ginunita ang taunang pagdiriwang ng World Teacher’s Day sa school gym noong Oktubre 5, 2011 na pinatingkad ng paggawad ng pagkilala sa natatanging guro ng taon at mga pangkat ng mag-aaral.
Kinilala si Gng. Remedios R. Dela Cruz, tagapayo ng Grade III-B bilang “Most Outstanding Teacher of the year”. Napasakamay naman ng Grade III-A at Grade V-A ang “Most Disciplined Class Award” sa primary at intermediate levels sa mga klaseng hawak nila Gng. Lilia L. Fernando at Gng. Eufemia N. Cuaresma.
Ginawaran din ang Grade II - A at Grade V - Ang “Cleanest Classrooms Award” sa pamamatnubay nina Gng. Erlinda G. Gan at Gng. Eufemia N. Cuaresma. Nakamit naman ni Ken S. Romero, alkalde ng Supreme Pupil Government at pangulo ng Grade VI - ang parangal na “Pangulo ng Taon” sa pagpapayo ni Gng. Haidee O. Pajarito. “Mahalaga ang araw na ito dahil ngayon ang pagkakataon nating ibalik ang lahat ng pagpapasakit ng ating mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng munting programa na kaming mga mag-aaral nila ang nanguna upang kahit sandali ay maibsan ang pagod nila, "pahayag ni Romero sa kanyang talumpati. Inorganisa ng Supreme Pupil Government (SPG) ang nasabing pagdiriwang.