Magandang Kalikasan, Ala-ala na Lang Ba?
“Wala ka bang napapansin, sa iyong mga kapaligiran? Kaydumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin,” mga linya sa isang awiting pinasikat ng bandang ASIN.
Naalala ko ang kuwento ng aking lola. Ang aking nanay noon ay gustung-gustong sumama sa kanilang bukid kung saan magbabaon ng pagkain para kay lolo. Masaya siyang umaakyat ng mga puno at abutin ang mga bunga nito. Kapag napagod, sisilong sa isang puno upang mamahinga at doon din ay papanoorin ang mga ibong lumilipad.
Kapag ang araw ay nagsimula nang lumubog sa kanluran, ang nanay ko kasama ng kanyang mga kaibigan, ay nagkakayayaang maligo sa ilog na may malamig at malinis na tubig. Sa loob ng ilang dekada, marami nang naitayong mga malalaking pabrika sa ating bansa, sa loob at labas ng Metro Manila. Marami na ring negosyanteng nagtayo ng establisyemento kahit sa mga probinsya, kung kaya’t nabawasan na ang mga palayan dahil pinagpatayuan ng mga gusali .
Dumami na rin ang mga taong nagtagumpay sa buhay. Sa kadahilanang dito dumami na rin ang pribadong sasakyang rumaragasa sa mga daan araw - araw. Dahil sa mga pabrika at mga sasakyan, naging marumi na ang hangin sa kapaligiran. Nagbubuga ang mga ito ng usok na nagiging sanhi ng polusyon sa hangin.
Kapag dumadalaw ako sa lola ko, hindi ko maisip at maramdaman ang mga kuwento ng lola ko sa karanasan ng nanay ko noong kabataan niya. Ninanis ko ring maranasan ang mga iyon ngunit parang sa panaginip na lamang. Ang mga usok na galing sa mga sasakyan at mga pabrika ay nagdadala ng carbon dioxide na nakasisira sa mga buhay sa paligid natin.
Nakita ko na ang dating mga bukid ay natatayuan na ng mga gusali. Madalang na ang mga ibon sa papawirin. Hindi ko na rin maaninaw ang malinis na ilog na sabi ng nanay ko ay masarap ring pagtampisawan. Nakita ko ang lungkot sa mukha ng lola ko. Hindi ko na maapuhap sa mukha niya ang saya kapag siya ay nagkukuwento. Ang lagi ko na lamang naririnig sa kanya ang katanungang, “Ito ba ang dala ng teknolohiya at pag-unlad?”