PINAGTAGUMPAYANG PANGARAP
ni Haidee O. Pajarito
“How many decades are there in 3 millenium?”, ang tanong ni Toni. “Buzzzzzzzzz” “Jomari”, tawag ni Toni. “300”, sagot ni Jomari. “300 is..... correct!”, sigaw ng host.
Nagsimula si Jomari bilang isang kalahok sa halos dalawang libong mga bata. Kasama ang kanyang tatay lumuwas ng Maynila upang maipamalas ang galing niya na ipinagkaloob ng Diyos. Nakipila siya kasama ng mga batang kalahok. Nagdaan siya sa iba’t ibang pagsusulit. Sa bawat pagsusulit na kanyang pinagdaanan, halos kinatakutan siya dahil siya ang laging nangunguna sa kanilang lahat. Ang batang ito ay anak ng isang magsasaka at isang ulirang maybahay. Sa simpleng pamumuhay ay naitataguyod siya sa kanyang pag - aaral lalo na sa palagiang pagsali sa iba’t ibang patimpalak mula noong siya ay nasa unang baiting hanggang kasalukuyan. Binuno nilang mag-ama ang pagluwas - luwas ng Maynila. Ang ama ay nagsikap gumawa sa bukid |
Nagsipag magtanim ng gulay na ang kita nito ang lubos na nagtustos sa kanilang paglalakbay.
Nang ibunyag ng inampalan ang resulta ng top 15, pasok pa rin siya. Noon na nagsimulang ipalabas ang larong ito sa isang noontime show sa telebisyon, ang “Happy Yipee Yehey”. Dito nagsimulang makilala si Jomari sa bilis niyang sumagot sa bawat tanong. Narating pa rin niya ang top 10, at doon ay nagsimula ng magbawas sa bawat laro. Tangi ngang pinagpala sapagkat kahit napasama pa rin siya sa bottom-three minsan sa kanilang paglaro, nakayanan pa rin niyang makapasok nang siya ay makasagot ng pinakamarami sa isang tanong. Ito pa rin marahil ang naging dahilan kung bakit maraming naniniwalang siya ay magaling. Sa Proverbs 29:18 sinasabing, “Where there is no vision, the people perish: but he that keepeth the law, happy is he”. P i n a t u n a y a n ni |
Jomari na kapag ang isang tao ay nagtakda ng isang layunin, at marunong sumunod sa bawat itinakdang kautusan ay may kaligayahang makakamtan.
Ang kanyang magulang ang naging sandata niya sa kanyang pagsabak sa paligsahang ito. Tila ang bawat pangaral na sinasambit ng ama ay tila isang batas sa kanya na dapat niyang sundin.Sinubaybayan din ng kanyang tagapayo ang kanyang paglaban. Nagbigay ng lubos na pagsuportang pang-moral at pang-edukasyon. At ito ang naging daan niya sa kanyang tagumpay. Sa paligsahang ito, nagkamit siya ng apat na beses na first honors. Kung kaya’t apat na beses rin siyang nagkawanggawa. Natulungan niya ang kanyang paaralan, minamahal na lola, isang malapit na lolo at kanyang kapatid. Ngunit, lalo siyang pinagpala ng suportahan siya ng kanyang mga pinagdaanang guro. Sa bawat laban niya ay nasa likod niya ang mga ito na sila ang naging dahilan kung paano siya lalong tumalino at tumatag at dahilan na rin marahil sa |
iba't ibang paligsahang kanyang sinasalihan sa bawat baitang na pinagdaanan.
Tulad siya marahil ni Helen Keller, isang batang bulag na nabago ang buhay dahil sa kanyang butihin at matiyagang guro na si Anne Sullivan. Siya ang magiging dahilan ng pagbabago sa buhay ng kanyang pamilya at inspirasyon sa bawat batang sumubaybay sa paligsahang kanyang sinalihan at humanga sa kanyang katalinuhan. “ Kung ano na lang po ang will ni Lord na maganap ngayong araw na ito ay siya na lang po ang dapat na masunod”, isang pahayag na nagluklok sa kanya upang maging kauna - unahang “GRAND WINNER NG BATANG GENIUS” . |